Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Murder suspek sa Calamba tiklo sa parak

Gil Aman Sep 25, 2025
417 Views

BUMAGSAK sa kamay ng Laguna Provincial Special Operation Unit at Calamba police ang isang suspek sa kasong pagpatay noong Sept. 25 sa Brgy. Real, Calamba City.

Sa ulat ng Calamba city police, suspek si Alyas Borbe sa pagpatay kay Elmer Manaig noong Marso 24, 2025 sa Brgy. 1, Calamba City.

Naaresto ang suspek sa tulong ng arrest warrant galing kay Judge Mary Grace Binsol-Cabal ng Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 35, Calamba City.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek na ngayo’y nakakulong na sa Calamba City jail.