Frasco

Muslim solon kay Raissa Robles: Mindanao ligtas na puntahan ang Mindanao, ASF wala nang pangil

Mar Rodriguez Jun 7, 2022
274 Views

NILINAW ng isang Muslim solon na ligtas at malayo na sa dating nitong kalagayan ang lalawigan ng Mindanao. Hindi katulad dati noong mga panahong namamayagpag at naghahari dito ang kilabot na bandidong grupong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ito ang ipinahayag ni House Deputy Speaker for Mindanao at Basilan Rep. Mujiv Hataman bilang tugon sa naging pahayag ni Ms. Raissa Robles sa pamamagitan ng kaniyang “Twitter Account” na nagbabala kay incoming Tourism Sec. Christina Frasco.

Nauna rito, sinabi ni Frasco na plano nitong buksan ang ilang bahagi ng Mindanao para sa turismo sapagkat ang ilan dito ay kaaya-ayang puntahan o bisitahin ng mga dayuhan at local na Turista.

Gayunman, nilinaw ni Hataman na ligtas na ngayong puntahan ang ilang bahagi ng Mindanao hindi tulad dati kung saan naghahari dito ang kaguluhan sapagkat wala ng aniyang pangil ang dating kinatatakutan na bandidong grupong ASG.

Binigyang diin ni Hataman na kapayapaan na ngayon ang namamayani sa Mindanao bunga ng maraming taon na pakikipagtulungan ng security forces. Lokal na pamahalaan, komunidad at mga imam (mga paring Muslim) sa ilalim ng Program Against Violent Extremism.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na sa katunayan, ang mamamayan sa Basilan ay malaya nang nakakagalaw dahil nawala na ang takot na dating bumabalot sa nasabing lalawigan.

Dahil dito, ipinagmalaki ni Hataman na ilang beses naring nagpabalik-balik sa Basilan upang magdaos dito ng basketball game ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).