Calendar

Na-checkpoint ‘di huminto 2 laglag sa boga, droga
TIMBOG ang dalawang lalaking armado ng baril na nakipaghabulan sa mga nagpapatrulyang pulis noong Biyernes sa Caloocan City.
Bago tumakas sakay ng walang plakang motorsiklo, sumenyas na parang nagpapahabol ang mga suspek na sina alyas Boy, 26, at alyas John, 23, sa mga sumita sa kanilang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals nang pahintuin dakong alas-11:00 ng gabi sa Brgy. 67.
Sa report ni Col. Canals kay Northern Police District (NPD) acting director Col. Josefino Ligan, pinara ng kanyang mga tauhan ang dalawa ng mapansing sakay ng motorsiklo na tugma sa deskripsiyon sa nangyaring insidente ng panggugulo sa Brgy. 9.
Pero sa halip na huminto, kinutya pa ng dalawa ang mga pulis.
Nang kapkapan matapos mahuli, nakuha sa dalawa ang walang papeles na kalibre .22 na revolver, isang laruang kalibre 45 pistol at 12.3 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P83,640.
Kasong illegal possession of firearms and illegal drugs, resistance at disobedience to a person in authority at pagmamaneho ng hindi rehistradong motorsiklo ang kakaharapin ng mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.