End

NAASCU semis tickets nasungkit ng AMA, Enderun

Robert Andaya Nov 27, 2023
296 Views

KUMPLETO na ang semifinal cast ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Season 21 men’s basketball tournament.

Ginulat ng AMA University ang City University of Pasay, 76-72, habang pinayuko ng Enderun Colleges ang Philippine Christian University, 64-54, sa parehas na upset na panalo sa Paco Arena sa Manila,

Sumandal ang AMA University sa mainit na paglalaro nina Earl Ceniza, Eriz Romero, JC Yambao at Reed Baclig para biguin ang CUP, habang nagpakita ng tibay ng loob ang Enderun Colleges para walisin ang PCU

Nagbida si Ceniza sa kanyang double-double na 17 points, 13 rebounds, at seven assists sa 40 minutes na paglalaro.

Gayundin, pakitang gilas si Romero sa kanyang 17 points at four assists para sa AMA na pinapatnubayan ni veteran coach Mark Herrera.

Si Yambao ay nagdagdag ng 13 points, at si Baclig ay nag-ambag ng 12 points, five assists, at five rebounds.

Nakatulong din si Christian Camay sa AMA sa kanyang game-highs na 18 rebounds at seven blocks.

Nanguna naman para sa CUP si John Luigi De Leon sa kanyang 20 points at four rebounds, kasunod sina Hanz Matthew Yu, Steven Kurt Meneses, at Warren Sienes sa kanilang 11 points.

Samantala, ang Enderun ay sumandal kay Jalen Garcia, na may 23 points, four steals at four assists sa 22 minutes laban sa PCU.

Nakatulong niya sina Darrel Nguene, na may nine points at nine rebounds, at Christian Malan na may nine points at five rebounds.

Para sa PCU, umiskor sina Lloenl Failon at JL Balvarin ng 16 at 15 points, ayon sa pagkasunod.

Dahil sa panalo, umabante sa semis ang AMA and Enderun laban sa No. 2 Our Lady Fatima University at top seed St. Clare College of Caloocan

Ang mga iskor: 

First game

AMA (76) — Ceniza 17, Romero 17, Yambao 13, Baclig 12, del Rosario 9, Camay 6, Bentulan 2, K Cruz 0, Santos 0, R Cruz 0, Gonzales 0.
CUP (72) — de Leon 20, Sienes 11, Yu 11, Meneses 11, Quebec 10, de Paz 3, Bernardo 2, Dancalan 2, Palomares 2.
Quarterscores: 16-19, 41-40, 59-58, 76-72.

Second game

Enderun (64) – Garcia 23, delos Reyes 9, Malano 9, Nguene 9, Libago 6, Gastador 4, Castro 2, Jimenez 2, Dumana 0, Oliva 0, Howe 0, Panganiban 0.
PCU (54) — Failon 16, Balvarin 15, Itam 11, Bagatnan 8, Obioha 2, Revillame 2, Fajardo 0, Austria 0, Fontanilla 0, Dulay 0, Bautista 0, Garrucho 0, Carino 0, Manipolo 0.
Quarterscores: 12-15, 27-28, 46-44, 64-54