Louis Biraogo

Nabili ni Robredo si Alvarez?

551 Views

LeniSA isang panayam sa telebisyon noong nakaraang linggo, Marso 23, 2022, ang Kongresista ng Davao del Norte at dating Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (House Speaker) Pantaleon Alvarez ay pinatunayan na hindi siya nag-iisip bago siya nagsasalita.

Nakapanayam si Alvarez pagkatapos niyang inihayag na ang kanyang partidong pampulitika ay binawi na ang suporta na ibinigay kay Senador Panfilo Lacson sa pagtakbo nito bilang pangulo sa darating na halalan, at ibinibigay na ang gayong suporta sa katunggaling si Leni Robredo, ang hindi maitatangging kandidato ng kinasusuklamang Partido Liberal (PL).

Ngunit pinasisinungalingan ni Lacson ang gayong balita at sinabi niya na ang lokal at pang-probinsiyang sangay lamang ng Reporma ang sumanib sa kampo ni Robredo.

Inamin mismo ni Alvarez sa midya na nalulungkot siya na ang P800-milyong pondong pangkampanya na ipinangako ni Lacson kay Alvarez ay hindi makakarating.

Sa tingin ko, sa nangyaring hindi magkakaugnay na pananalita ni Alvarez ay dahil lubhang umiiwas lamang siya sa mga matalas na pagtatanong ng tagapakinayam.

Hindi ba kamakailan lang, bago nagsimula ang opisyal na panahon ng pangangampanya, tinatawag ni Alvarez si Robredo na hindi karapat-dapat maging pangulo.

Pinaalalahanan din ng tagapakinayam si Alvarez sa kanyang pagtangkang mapatalsik bilang pangalawang pangulo si Robredo noong siya pa ang Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.

Bilang sagot, sinabi ni Alvarez na siya’y humingi na ng kapatawaran kay Robredo kaya siya’y tinanggap sa kampo nito.

Kapansin-pansin na habang ipinaliliwanag ni Alvarez ang dahilan ng kanyang pagbalimbing, naging tahimik siya tungkol sa kanyang mga batikos laban kay Robredo noon at basta-basta na lang nitong inihayag na si Robredo ang pinakamagaling na pambato sa pagkapangulo.

Iminumungkahi din ni Alvarez sa mga botante na huwag iboto si dating Senador Bong Bong Marcos (BBM), ang nangunguna sa mga pananaliksik sa pulso ng mga botante (voters’ preference survey). Bakit, daw? Ayon sa kanya, si BBM ay hindi kasing-talino ng ama niya, ang yumaong Pangulong Ferdinan Marcos.

Nang tinanong siya bakit nangunguna si BBM sa mga pananaliksik sa pulso ng mga botante, sinabi ni Alvarez na ang gayong mga pag-aaral ay ang kadahilanan bakit hindi dapat ipaubaya sa mga botanteng Pilipino ang demokrasya.

Nagmumukhang humahanga si Alvarez kay President Marcos dahil sa talino at katanyagan sa pamumulitika nito. At, parang hindi rin niya pinagkakatiwalaan ang mga botante. Baka naman, nadulas lang siya? Sa tingin ko, maaaring nadulas lang siya o hindi naintindihan ang mga pinagsasabi niya. Alin man dito ang dahilan, walang kredibilad itong si Alvarez.

Ang paghahambing ng katalinuhan ni BBM sa kanyang yumaong ama ay lihis sa usapin ng pangkasalukuyang karera sa pagkapangulo.

Si BBM ang napapanahong kadidato sa pagkapangulo dahil siya ang pinaka-kwalipikado sa mga tumatakbong pangulo sa darating na halalan. Ang plataporma ni BBM ay naaayon sa pangangailangan ng bansa at ang hindi imposibleng makayanang gawin.

Taliwas sa mga ginagawa ng kanyang mga katunggali, hindi pa nakapagsalita si BBM ni kahit anong panglalait laban sa kanila, kahit na sa harap ng mga patuloy na binabatong mga walang katuturan at maaanghang na pagbatikos sa kanya.

Nararapat na pahahalagahan ang karanasan ni BBM sa pamamalakad ng lokal na pamahalaan dahil sa naging gobernador siya noon ng Ilocos Norte, at sa pambansang lehislatura naman noong naging senador siya. Ang malawak na karanasan ni BBM sa panunungkulang pampubliko ay dahilan bakit siya ang tamang mapili bilang susunod na pangulo ng bansa.

Hindi katulad ni Robredo, si BBM ay may tindig ng isang tunay na mamumuno.

Sa kabila ng panglalait na binato sa kanya ng pamilyang Aquino at ng mga kaalyansa nito sa kuta ng di-nagpaparaya at mapanghusgang hukbong pinklawan, hindi nagtatanim ng sama ng loob laban sa mga Aquino si BBM. Hindi din siya mapaghiganti. Sa katunayan, noong panunungkulan niya sa Senado, siya’y nag-sponsor pa nga ng batas na ipanapangalan ang ibang imprastraktura kay Ninoy Aquino, na mahigpit na kalaban sa pulitika ng yumaong ama ni BBM.

Sa kabilang dako, si Robredo ay kitang-kita na hindi karapat-dapat maging Pangulo.

Si Robredo ay walang kahanga-hanga na nagawa bilang kasapi ng batasang pambansa (2013 – 2016) at bilang pangalawang pangulo (2016-2022). Bilang Bise-Presidente, si Robredo ay walang ginawa kung hindi magdulot ng pagkahati-hati at hidwaan sa loob ng gobyerno, at ang hindi makatarungang pagbabatikos ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Saka, binibigyang diin ng mga pampublikong pahayag ni Robredo ang kakulangan niya sa kaalaman sa Saligang Batas at ang kaugnay na mga batas. Ang kanyang natatanging kredensyal ay ang kanyang kahina-hinalang kaugnayan sa mga elementong anti-Marcos, at mga personalidad na may kilalang simpatiya para sa lokal na mga komunista.

Ayon sa sarili niyang pag-amin, tinalikuran ni Alvarez si Lacson nang hindi ito makapaglahad ng P800-milyon na pondong pangkampanya na hinihingi ni Alvarez. Ngayon, inilipat ni Alvarez ang kanyang katapatan kay Robredo at tinanggap naman nito si Alvarez na walang pasubali. Si Alvarez naman ay hindi nagrereklamo kay Robredo tungkol sa kakulangan ng pondong pangkampanya.

Sa nakikita natin, mukhang may nangyayaring palitan ng pera na namagitan kay Alvarez at Robredo. Hindi malayo yan, ayon sa isang pahayagang nagsiwalat na may mga Amerikanong kaduda-duda ang pampulitika at pangangalakal na hangarin sa Pilipinas, ang nag-ambag ng pondong pangkampanya sa kampo ni Robredo. Baka nga ito ang tunay na dahilan bakit lumipat sa kampo ni Robredo si Alvarez?

Kung totoo man, talagang karapat-dapat sina Robredo at Alvarez sa isa’t isa.

Hindi nakakapagtaka na ang pamahalaan ni Pangulong Duterte ay pinatalsik itong si Alvarez bilang Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 2018 pagkatapos lamang ng dalawang taon sa puwesto.