Calendar
Nagpanggap na lespu tiklo sa shabu
TIMBOG ang lalaki na nakasuot pa ng uniporme ng pulis dahil sa pag-iingat ng tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 sa Tullahan Road, Brgy. 182, Caloocan City noong Huwebes.
Natyempuhan si alyas Gene ng mga nagpapatrulyang pulis na nakasuot ng pang-itaas na uniporme ng pulis kaya nagduda sina P/Cpl. Andy Mejal at Pat. Mark Angelo Araneta dahil hindi maayos ang pagkakasuot ng uniporme ng suspek.
Sinita nila ang suspek bago hinanapan ng PNP ID pero ng bunutin ng suspek ang kanyang wallet, nalaglag ang plastic sachet na naglalaman ng tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.
Doon na hinuli ng mga pulis ang suspek.
Kasong illegal na pagsusuot ng uniporme at pag-iingat ng ilegal na droga ang kakaharaping kaso ni alyas Gene sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

