Kulong

Nagselos sa jowa nanutok ng bakal swak sa rehas

Edd Reyes Apr 7, 2025
13 Views

HIMAS-REHAS ngayon ang selosong mister nang ireklamo ng panunutok ng baril sa kanyang live-in partner sa Caloocan City.

Kararating lang sa bahay sa Villa Maria subdivision sa Brgy. 28 Deparo mula sa trabaho ng 22-anyos na biktima pasado alas-8:00 noong Linggo ng umaga nang sitahin ng kinakasamang si alyas “Renel” dahil sa labis na pagseselos sa ka-trabaho ng babae.

Humantong ang pagtatalo ng dalawa sa panunutok ng baril ng suspek sa biktima na sa labis na takot nagtatakbong palabas upang humingi ng tulong sa mga pulis.

Nagresponde ang mga tauhan ni Caloocan Police chief P/Col. Edcille Canals na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakakumpiska sa kanyang kalibre. 38 revolver na kargado ng dalawang bala at isa pang kalibre. 45 airsoft gun.

Nahaharap ngayon sa mga kasong grave threat, illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Omnibus Election Code ang suspek.