PRC

Nagtapos sa Ateneo de Davao nanguna sa architects licensure exam

Neil Louis Tayo Jun 16, 2023
137 Views

ISANG graduate ng Ateneo de Davao University ang nanguna sa June 2023 Architects licensure examination.

Si Fritz Mari Sangalang Sendrijas ay nakapagtala ng 85.90 ang pinakamataas na iskor.

Pumangalawa naman si Rizza Mae Marollano Pardiñas ng University of Nueva Caceres (85.0) na sinundan ni Nadine Anne Laurente Bagon ng University of Santo Tomas (84.6).

Sumunod naman sina Kenneth Christopher Dy ng UST (84.10), at pang-lima sina Marynelle Charis Mangasep Baysa, ng University of San Carlos, Janrea Caballero Cuyos ng University of San Carlos, at John Elmer Altabano Señeres ng Capiz State University na kapwa nakapagtala ng 83.90.

Ang top performing school na mayroong 50 o higit na examinees ay ang University of the Philippines – Diliman. Pumasa ang lahat ng 50 exam takers nito.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 2,924 sa 4,784 examinees ang pumasa.