Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Nagtapos sa UP-LB nanguna sa chemist licensure exam

273 Views

ISANG nagtapos sa University of the Philippines-Los Baños ang nanguna sa chemist licensure examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nakakuha ng 91.30 porsyentong rating si Carmel Rose Malones Rolloque.

Pumangalawa naman si Ryan Joseph Ycoy Magsipoc ng University of Santo Tomas na nakakuha ng 90.80 porsyento.

Pangatlo si Yum Lee Briones ng Ateneo de Manila University na nakapagtala ng 88.60 porsyentong rating at sinundan ng kapwa taga-UP-LB na sina Carlos Antonio Nicdao Concepcion (88.75 porsyento), at Christian John Galang Cordero (88.65 porsyento)).

Sa 731 na kumuha ng pagsusulit, 284 ang pumasa, ayon sa PRC.