PRC

Nagtapos sa UP nanguna sa Social Worker Licensure Exam

186 Views

ISANG nagtapos sa University of the Philippines (UP) Diliman ang nanguna sa Social Worker Licensure Examination.

Sa inilabas na datos ng PRC, si Gian Cajilig Salanio ay nakakuha ng 88.80 porsyento na pinakamataas sa 2,955 na pumasa.

Sumunod naman sina Nevien Siquira Mariz Dandoy ng Colegio de San Francisco Javier (88.20%), at Fiona Yvannie Tonido Murillo ng Leyte Normal University (87.80%).

Tabla naman sa ika-apat na puwesto ang mga taga-UP-Diliman na sina Sydney Claudelle Miña Aguba at Jeravem Gamao Ortiyas na nakakuha ng 87.60 porsyento.

Pang lima naman si Gia Santos Evangelista ng UP-Diliman na nakakuha ng 87.40 porsyento.

Nasa ika-anm na puwesto naman sina Hermie Dawn Ilasin Salmon ng UP-Diliman, Percibal Santos ng Colegio de San Gabriel Arcangel at Geralene Mahinay Terceño ng Leyte Normal University na nakakuha ng 87.20 porsyento.

Pang pito sina Eduard Abrera Cañares ng Leyte Normal University at Andrei Manalo ng Don Honorio Ventura Technological State University na nakapagtala ng 87 porsyento.

Pang-walo sina Bhelina Ross Reyes Parungao, ng Don Honorio Ventura Technological State University, at mga nagtapos sa Leyte Normal University ana sina Mary Guen Sablayan, Erika Morales Setosta at Christelle Erika Canillas Toring na nakapagtala ng 86.60 porsyento.

Pang-siyam sina Ann Millenie Caballero Antoque, ng University of Southern Philippines, Jonna Mae Bongapat Bogñalbal ng Bicol University-Tabaco, Pamela Jane Rojas Pido ng Leyte Normal University, at Yasmin Cabaling Tanaleon ng Central Philippines University na nakakuha ng 86.40 porsyento.

Pasok naman sa ika-10 puwesto sina Nicu Bernard Egos Baylon, ng Leyte Normal University, Vanessa Bianca Matias Macamos ng Bulacan State University-Malolos at Angelica Mae Alden Ustaris ng Universidad de Santa Isabel na nakakuha ng 86.20 porsyento.

Ayon sa PRC 4,723 ang kumuha ng naturang pagsusulit at 2,955 ang pumasa.