Calendar
![Tsino](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Tsino-1.jpg)
Nagtatagong Tsino pina-extend visa, timbog ng BI
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 44-anyos na Chinese fugitive makaraang tangkaing iextend ang validity ng kanyang tourist visa.
Kinilala ang suspek na si Lin Guangxiu, na naaresto noong Pebrero 11 sa punong tanggapan ng BI sa Intramuros matapos kumpirmahin ng mga awtoridad na siya ay subject ng isang Interpol Red Notice dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga.
Si Lin ay pinaghahanap dahil sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“This arrest demonstrates our unwavering commitment to keeping the country safe from foreign fugitives,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.
“The Philippines will not be a refuge for criminals. We will continue to ensure that our borders remain secure and that those attempting to evade justice are apprehended,” dagdag pa niya.
Habang isinasagawa ang proseso ng visa extension, nadiskubre ng mga tauhan ng BI ang mga iregularidad sa mga rekord ni Lin at iniulat ang kaso kay Tourist Visa Section (TVS) Chief Raymond Remigio, na nakipag-ugnayan sa Fugitive Search Unit (FSU) ng BI para sa agarang pag-aresto kay Lin.
“This case proves the effectiveness of our screening procedures,” ani Remigio. “We remain vigilant in preventing foreign fugitives from exploiting our immigration system.”
Ayon sa mga awtoridad, noong 2019, narekober kay Lin at sa kanyang kasamahan ang mahigit 138 piraso ng tape-sealed transparent packs na naglalaman ng humigit-kumulang 270,000 gm ng Methamphetamine Hydrochloride o ‘shabu’.
Kasalukuyang nakakulong si Lin sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan habang naghihintay ng deportation proceedings.
Ang kanyang pagkakaaresto ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang seguridad sa mga hangganan at ipatupad ang batas sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga fugitive at iba pang hindi kanais-nais na dayuhan ay mapatalsik sa bansa.
“We will continue working with international law enforcement agencies to track down fugitives and deport them without delay,” dagdag pa ni Viado.
Nagbabala rin si Viado na ang sinumang dayuhang nagtangkang tumakas sa hustisya ay haharap sa agarang aksyong legal.