DMW

Nakakulong na Pinoys sa abroad dapat matulungan–ex-partylist rep

Mar Rodriguez Dec 29, 2025
276 Views

๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก si dating OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan ang nasa 3,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nahaharap sa iba’t-ibang kaso sa ibang bansa.

Nakarating sa kaalaman ni Magsino na pumalo sa 3,000 OFWs ang may kaso sa ibayong dagat, kabilang na ang 24 na Pilipino na nasa death row.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na tinutulungan ng pamahalaan ang mga OFWs sa pamamagitan ng legal interventions.

Sinabi ni Magsino na sa Saudi Arabia ang may pinakamataas na bilang ng mga OFWs na may mga legal case, kabilang ang labor disputes at criminal case charges.

Ikinababahala ng dating mambabatas na karamihan ng mga Pilipinong nasa death row sangkot sa drug cases, lalo na sa Malaysia kung saan ang kasong may kinalaman sa illegal na droga ay agad na pinapatawan ng parusang kamatayan.

Dahil dito, nananawagan si Magsino sa mga OFWs at seafarers na mag-ingat sa kanilang mga kilos sa ibang bansa upang huwag maharap sa sinapit ng mga OFWs na nasa death row.