1st P2P bus service sa Imus inilunssad
Nov 18, 2024
Lalaki tiklo sa 3 counts ng child abuse
Nov 18, 2024
Calendar
Nation
Nakararaming Pinoy umaasa na gaganda ang ekonomiya—SWS
Peoples Taliba Editor
Jul 14, 2022
205
Views
KUMPIYANSA ang nakararaming Pilipino na gaganda ang ekonomiya ng bansa, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa survey na isinagawa noong Abril 19-27, sinabi ng 46 porsyento na gaganda ang ekonomiya, 28 porsyento ang nagsabi na wala silang nakikitang pagbabago at 6 porsyento ang nagsabi na lulubha pa ang kalagayan nito.
Ang Net Economic Optimism ay 40 porsyento na batay sa pamantayan ng SWS ay excellent.
Ang 40 porsyentong Net Economic Optimism ay mas mababa sa 44 porsyento na naitala sa survey noong Disyembre 2021.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,440 respondent na edad 18 taong gulang pataas. Ito ay mayroong sampling error margin na ±2.6 porsyento.