Baril Ipinakita ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, director ng Calabarzon Police Office, ang 2,929 na mga nakumpiskang baril sa press conference noong Sept. 3.

Nakumpiskang baril ng Calabarzon pulis umabot sa 2,929

Gil Aman Sep 3, 2024
87 Views

UMABOT sa 2,929 na nakumpiskang mga baril ang iprinisinta ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, director ng Calabarzon police office, sa press conference sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna noong Martes.

Ayon sa heneral, ang pagkakakuha sa mga baril kasabay sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 2025.

Nakumpiska ang mga baril sa 5 lalawigan–Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon–ng Region 4A.

Nakatutok ang mga pulis ng Calabarzon PNP sa mga private army na dapat buwagin bago sumapit ang midterm elections.

Sinabi pa ni Lucas na may tatlong lugar sa Calabarzon na may private army ang masusing tinututukan subalit hindi muna idinetalye ng heneral upang hindi masira ang imbestigasyon. Nina GIL AMAN at DENNIS ABRINA