arnell ignacio

Namumulitika?

Eugene Asis Aug 15, 2023
184 Views

MARAMI talagang may crab mentality sa ating mga Pilipino. Sa halip na pasalamatan ang isang taong gobyerno sa maganda niyang ginagawa ay sinisiraan pa ito.

Ito ngayon ang nangyayari kay OWWA Administrator Arnell Ignacio. Kinakalat ng ilang bashers at inggitero na namumulitika raw si Arnell dahil may balak itong tumakbo bilang senador sa darating mid-term election sa 2025.

“Sa taray kong ito, tatakbo akong senador?,” bulalas ni Arnell. “Hindi ko nga alam kung saan galing yang balitang yan dahil wala sa isip ko ang tumakbo. Sa dami nang ginagawa ko sa OWWA, ‘yan pa ba ang uunahin ko?”

Dahil sa showbiz nagmula, dedma lang si Arnell sa ganitong mga isyu. Alam kasi niya na kapag hindi naman totoo ay mamamatay na lang ng kusa ang fake news na ganito.

Nang ma-appoint si Arnell sa gobyerno, inaral niya ang kalakaran at mga batas dahil alam niya na ito ang tama. Kaya naman marami ang bumibilib sa kanya na mga kapwa government officials pati rin mga mambabatas dahil wala siyang kapaguran at halos walang pahinga magawa lang niya ang mandato niya bilang administrador ng OWWA.

Kaya sabi nga ng kanyang kampo, mamatay na lang ang mga naiinggit bago sila patulan ni DA Arnell.