Nanawagan si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga Pilipino na patuloy na mahalin ang Pilipinas.

137 Views

Sa paggunita ng bansa sa katapangan at kabayanihang ni Gat Andres Bonifacio nagpahayag ng pag-asa si Duterte na ang hindi pangkaraniwang pagmamahal na ipinakita ni Bonifacio sa bansa ay magsilbing inspirasyon ng mga Pilipino sa paglagpas sa mga pagsubok na kinakaharap ng bansa.

“May his extraordinary love of our country continue to inspire us to be constantly united in overcoming the difficulties we face as a nation and realize our shared aspirations of a better life for all,” sabi ni Duterte.

Umaasa rin si Duterte na ang apoy na nagtulak upang makamit ng bansa ang kalayaan ay magpaalab sa pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa.

“And may the fire he started in the name of freedom rekindle a deep sense of patriotism among us as we usher in a future strongly forged by our unyielding solidarity and our own acts of selflessness, courage, and bravery for our country and our fellow Filipinos,” dagdag pa ni Duterte.

Pagtatapos ng Ikalawang Pangulo: “Patuloy nating mahalin ang Pilipinas.”