Calendar

Nancy Binay iginiit pagbabalik ng ‘Serbisyong Binay’ na nagmula sa kanyang ama
ANG pagbabalik ng serbisyong Binay.
Ito ang tinuran at mariing iginiit ni Senadora Nancy Binay sa ginanap na Kapihan sa Senado.
Para kay Mayor Binay, ang kanyang pagkapanalo ay hudyart na nananatiling buhay ang “serbisyong Binay” sa kabila ng mga political setbacks ng kanyang pamilya partikular ang mga di pagkakaintindihan nila ng kanyang kapatid na si Abby Binay.
“May indication na talagang ‘serbisyong Binay’ pa rin ang nais ng mga taga Makati kaya tayo nahalal” ani Senadora Binay nang tanungin kung buhay pa rin ang legacy ng kanilang pamilya sa lungsod ng Makati.
Ayon sa senadora, may mga hakbang nang isinasagawa kaugnay ng transition team matapos ang pagkapanalo niya bilang bagong alkalde ng Makati, kung saan tinalo niya ang kanyang bayaw na si Cong. Luis Campus.
Nang tanungin kung may pagkakataon para sa pagkakasundo ng dalawang kampo—ang UNA (United Nationalist Alliance) at ang kampo ni Abby Binay, hindi tahasang sinagot ni Sen. Binay ngunit binuksan ang posibilidad ng mahinahong transisyon.
Sa parehong panayam, tinanong si Senadora Binay tungkol sa mga pangunahing reklamo ng mamamayan.
Aniya, kinikilala nila ang mga isyung ito at bahagi ito ng kanilang isasaayos sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang alkalde.
Gayundin, ipinahiwatig niya ang mga planong reporma sa lokal na pamahalaan ng Makati kasama na ang Embo na nakuha ng Taguig na aniyay hindi dapat mauwi sa away away.
Handa umano siya makipag-dayalogo kay Taguig Mayor Lani Cayetano para matuldukan ang sigalot sa pagitan ng dalawang siyudad.
“Hindi natin ipagkakait sa mga taga Embo ang pasilidad ng Makati bagamat lilinawin natin ang maraming bagay lalo’t pag aari ito ng Makati,” ani Binay.
Nang tanungin kung ano ang kanyang magiging papel sa impeachment trial, inamin niyang magiging limitado ang kanyang partisipasyon, ngunit binigyang-diin na kailangang seryosohin ng mga senador ang pag-aaral sa mga ebidensya.
” Dapat tignan sng mga ebidensiya pero at the end of the day, it’s a numbers game,” aniya.
Nang tanungin kung ano ang magiging epekto ng pagbabago sa liderato ng Senado sakaling magkaroon ng pagpapalit sa Senate presidency, sinabi ni Binay na kasama na ito sa proseso ng demokrasya at tanggap aniya ng sinuman sa kanila na nangyayari ito lalo’t kung iyan ang boses ng nakararaming senador na magpapasiya kung sino ang kanilang pipiliin.