Calendar
Nanggulo matapos hingan ng ID arestado sa Maynila
INARESTO ng mga operatiba ng mga pulis-Manila ang isang lalaki at apat pang kasama dahil sa paggawa ng gulo ng hingian ng ID matapos masita sa Romualdez St. sa harap ng Coca Cola Ermita, Manila noong Linggo.
Arestado din bukod kay alyas Abdulmalic sina alyas Alia Musa, 23; alyas Mohammed, 22; Yasser Sharief, 29; at alyas Johaiber, 27.
Napansin ng mga pulis na nakaparada ang puting Isuzu (NIR 9155) na nakaharang sa tabi ng kalsada.
Hiniling ng mga pulis na ipakita ang kanyang lisensya pero expired na firearm registration card ang ipinakita ng suspek.
Sinubukan umanong tumakas ang suspek lulan ng kanyang sasakyan hanggang sa mabangga ang mobile car.
Sa sandaling iyon, inutusan siya ng mga arresting officer na isuko ang kanyang lisensya ngunit bigla siyang bumaba sa sasakyan na tila lasing at lumikha ng gulo.
Habang nakaposas, kinagat pa ng suspek ang kanang kamay ni Pat Rey Avila.