Buwenas sa karir, olats sa pag-ibig
Oct 13, 2026
Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional ang rape suspek matapos matimbog sa Quiapo, Manila.
Metro
Nanghalay noon, himas rehas ngayon
Jon-jon Reyes
Dec 5, 2025
311
Views
SWAK sa selda ang 29-anyos na lalaki matapos arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District sa Z. P. De Guzman St., Brgy. 394, Quiapo, Manila noong Lunes dahil sa kasong panghahalay.
Nakilala ang suspek na si alyas Jessie Jamid, ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional.
Bandang ala-1:05 ng madaling ng damputin ang akusado sa pangunguna nina P/Capt. James Dumangas at P/Lt. Carl Lloyd.
Hinuli ang suspek sa bisa ng arrest warrant na pirmado ni Judge Roy Gironella, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 43, Manila.
Pansamantalang nakakulong sa Barbosa Police Station 14 ng MPD ang suspek habang inihahanda ang dokumentasyon sa pagsasampa ng kaso.
Ama dinampot sa gahasa ng menor de edad na anak
Oct 13, 2026
QC kinondena pamamaril ng 3 ‘nakatambay’ sa QC
Oct 13, 2026
Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Police stations dapat malinis–NCRPO chief
Oct 12, 2026
Parangal natanggap ng Maynila
Oct 12, 2026

