Hinoldap

Nangholdap, kelot tiklop sa hinoldap

Edd Reyes May 5, 2025
14 Views

ARESTADO, tiklop at nadisarmahan pa ang holdaper na nakatapat ng astig na security guard na na biniktima niya noong Linggo sa Caloocan City.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, malamang na bugbog sarado ang 29-anyos na si alyas Rolan ng palibutan na ng mga nakasaksing kalalakihan.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, pauwi na mula sa kanyang duty ang sekyu na si Vicente Gaviola, 43, nang tutukan ng baril ng suspek at magdeklara ng holdap dakong alas-4:30 ng umaga sa harapan ng Royale Moto Club sa 10th Avenue.

Binantaan pa ng suspek ang biktima na huwag lilingon at papalag kung ayaw niyang mamatay subalit sa halip na masindak, ginamit ni Gaviola ang natutunan sa pagsasanay bilang sekyu kaya naagaw ang armas at napadapa ang suspek.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng isang bala na gagamitin bilang ebidensiya sa mga kasong robbery-hold-up, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Election gun ban na isasampa ng pulisya sa piskalya ng Caloocan City.