Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Calatagan

Nangisda, nabingwit na patay

347 Views

ISANG bangkay noong Sabado ang natagpuan ng isang residente na lulutang-lutang sa baybayin ng Brgy. Talisay, Calatagan, Batangas.

Kinilala ng Calatagan police ang bangkay na si Efren Mendoza Ilagan, 44, ng Brgy. Biga, Calatagan na nadiskubre ni Domingo De Jesus bandang alas-6:10 ng umaga na lumulutang sa baybayin ng Brgy. Talisay.

Ayon sa pamilya ng biktima, mag-isang umalis si Mendoza sa kanilang bahay bandang alas-11:00 ng umaga noong Hunyo 20 para mangisda sa Brgy. Talisay ngunit nabigong makauwi.

Nagsagawa ng search and rescue ang Bantay Dagat at Philippine Coast Guard na nagresulta sa pag-rekober sa bangkay ng biktima.