Goitia: PH di naghahanap ng digmaan
Aug 26, 2026
‘Confrontation’ sa Bulacan ‘isolated case’
Aug 26, 2026
Calendar
Metro
Nangnenok ng motor nasakote
Edd Reyes
Nov 23, 2024
451
Views
TIMBOG ang 24-anyos na lalaki matapos tangayin ang motorsiklo ng motorcycle taxi rider noong Biyernes sa Las Piñas City.
Ayon sa report, ipinarada ng Joyride rider ang kanyang Yamaha Mio 125 motorcycle sa tapat ng bahay sa isang subdivision sa Brgy. Manuyo Dos nang tangayin ng suspek na si alyas Jerome dakong alas-12:30 ng tanghali.
Nagsumbong ang biktima sa mga pulis tungkol sa pagtangay ng suspek sa kanyang motorsiklo kaya nadakip ang suspek.
Bukod sa pagkakabawi sa motorsiklo ng biktima, nakuha rin ng mga pulis sa suspek ang isang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver at apat na bala.
Sasampahan ng kasong carnapping at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) sa Las Piñas City Prosecutor’s Office ang suspek.
Mekaniko arestado sa iligal na pagpapaputok ng baril
Aug 26, 2026
QC cops bumira; 133 kriminal tiniklo
Aug 25, 2026
Lalaki buking na nagnenenok ng kable, tiklo
Aug 25, 2026
Train set para sa NSCR nasa ‘Pinas na
Aug 25, 2026
Oplan Ligtas Eskwela inilunsad ng QCPD
Aug 24, 2026

