Nangnenok sa junkshop, nadakma

11 Views

NATIMBOG ng mga pulis ang apat na armadong holdaper na nanloob sa junkshop sa Quezon City noong Sabado.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 12:40 ng madaling araw naganap ang insidente sa junkshop sa Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, biglang pumasok ang mga suspek sa junkshop at nagdeklara ng holdap at nilimas ang mga pera at mobile phone ng mga biktima saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Inatasan ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng QCPD, ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng joint operation na nagresulta sa pagkakadakip ng mga holdaper.

Nasamsam sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, 3 bala, isang fake na pistol at sumpak.