Pag-Ibig

Nangutang para magkabahay dumami—Pag-IBIG

182 Views

NAKAPAGTALA ng bagong rekord ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa home loan.

Umabot umano sa P83.31 bilyon ang naipautang nito sa mga nais na magkaroon ng sariling bahay mula Enero hanggang Setyembre 2022.

Mas malaki ito ng 27 porsyento kumpara sa P65.48 bilyong home loan sa kaparehong panahon noong 2021.

Tumaas din umano ng 17 porsyento ang bilang ng mga napondohang bahay na naitala sa 74,708.

“Pag-IBIG Fund’s performance in the first nine months of 2022 now stands as the best in our history. Higher loan releases and an increasing number of borrowers mean that more and more Filipino workers are being helped by Pag-IBIG Fund to have their own homes,” sabi ni Secretary Jose Rizalino Acuzar, ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Si Acuzar din namumuno sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.