Calendar

Nanutok ng boga, timbog, nakuhanan ng droga
TIMBOG sa mga pulis ang 27-anyos na lalaking sangkot sa ilegal na droga nang manutok ng baril sa isang biktima noong Martes ng madaling araw sa Caloocan City.
Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Congressional Police Sub-Station 9 dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Brgy. 171 nang lapitan ng 34-anyos na si alyas Bennie para isumbong ang panunutok ng baril sa kanya ng suspek na si alyas Fred.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 pistol na may limang bala at 7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, sasampahan ng patung-patong na mga kasong grave threats, resistance and disobedience, illegal possession of firearms and ammunitions at possession of illegal drugs sa ilalim ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act) ang suspek na nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Caloocan Police Station.