Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
DOH

Naputukan sa pagsalubong ng 2023 halos 300 na

185 Views

UMAKYAT sa 291 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan sanhi ng paputok kaugnay ng pagsalubong ng bagong taon.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang firework-related injuries ay mula sa 61 ospital ng ahensya.

Ang naturang bilang ay mas mataas ng 55 porsyento kumpara sa bilang ng mga nasugatan sa pagsalubong ng 2022.

Pinakamarami ang nasugatan sanhi ng paputok sa Metro Manila na umabot sa 135 at sinundan ng Western Visayas na may 33 kaso.

Nasa 79 porsyento ng mga nasugatan sanhi ng paputok ay mga lalaki. Nasa 17 porsyento naman ng mga naputukan ay lasing.