Doc-Ted-Herbosa

Nasaan na mga Ospital?

Dr. Ted Herbosa Feb 21, 2022
352 Views

ALAM ba ninyo na ang huling pambansang ospital na na-itayo ng ating pamahalaan ay noon pang 1983? Halos apat na dekada na na hindi nakapagtayo ang ating pamahalaan ng mga pampublikong ospital.

Bago sa panahon na iyon, ang mga ospital sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang klase. Ang mga Ospital ay pampubliko o pribado. Kung ikaw ay maralita, magpapagamot ka sa isang pampublikong Ospital, ngunit kung ikaw ay may kaya, ikaw ay pumapasok sa mga pam-pribadong ospital. Kung minsan naman, ay kahit konti lang ang pera, at talagang emergency, ikaw ay napipilitan pumasok sa mga pribadong ospital at napipilitang umutang! Malaki ang problema sapagkat madalas ay puno ang mga pampublikong Ospital, o kaya ay kulang ng gamit ng mga duktor.

Kaya noon ay nagtayo si President Marcos ng tawag na government corporate hospitals. Ang isang corporate Ospital ay pinatatakbo ng Board of Trustees na pina-ige at pinagaling ang pagpapatakbo ng ospital para hindi naiipit ng burokrasya. Dahil dito napatakbo ang ospital na maganda at malinis na parang pribadong ospital. Nakabili din ng mga bagong kagamitan gaya ng sa mga pribadong ospital. Isa pa ay ang bayad ay mas mababa kaysa sa singil sa mga pribadong ospital.

Ang Philippine Heart Center ay ang unang tinayo noon. Ito ay isang korporasyon ng gobyerno na inorganisa at umiiral sa ilalim at sa bisa ng Presidential Decree No. 673. Pinasinayaan noong Pebrero 14, 1975, ang Philippine Heart Center na ang unang pangalan ay Heart Center for Asia. Nakatuon ang PHC sa mamamayang Pilipinong may karamdaman sa puso. Dahil dito, nakakaya ng mga maralita ang mga mahal na operasyon sa puso.

Sumunod agad ang Lung Center of the Philippines na itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1823 noong Enero 16, 1981 upang mabigyan ang mamamayang Pilipino ng makabagong espesyal na pangangalaga para sa baga at iba pang mga sakit sa dibdib.

Pagkatapos ay ang Philippine Children’s Medical Center, isang ospital ng mga bata na pinamamahalaan ng lokal na gobyerno ng Quezon City. Ang gusali ng ospital ay idinisenyo ng arkitektong si Jorge Ramos ayon sa ‘brutalist’ na istilo. Itinayo ito noong 1975 na may iniulat na halaga na halos US$50 milyon. Ang tema ng International Year of the Child noong 1979, “Mankind owes to the child the best it has to give” ang nagbigay inspirasyon sa konsepto at sa impetus na magbigay sa mga bata ng isang tertiary institution para sa ekspertong pangangalagang pangkalusugan.

Noong Agosto 10, 1979, P.D. 1631 nilikha ang ospital na kilala bilang Lungsod ng Kabataan. Ito ay pinasinayaan noong Abril 29, 1980, na dinaluhan ng Her Royal Highness Princess Margaret ng United Kingdom. Noong Hunyo 23, 1980, sa ilalim noon ng Ministro ng Human Settlements, Unang Ginang Imelda R. Marcos, unang binuksan ng ospital ang mga pintuan nito upang simulan ang paghahatid ng ekspertong pangangalagang pangkalusugan sa mga bata.

Ang Lungsod ng Kabataan ay inilarawan bilang isang “Wonderland for Children”. Kaya naman, sa loob ng ospital, ang bata ay sinasalubong ng mga makukulay, pang-edukasyon, kultural at makasaysayang mga mural na nakahanay sa mga pasilyo nito. Ang mga kuwarto ay may iba’t ibang magagarang kama na idinisenyo bilang mga jeepney, fire wagon, speedboat, at tsinelas o bakya.

Nilalayon nitong gawing isang nakapapawi at komportableng karanasan ang ospital ng bata, gayundin bilang nagbibigay-kaalaman, edukasyonal at kasiya-siya. Ang mga pandekorasyon na silid ay nakakaabala din sa mga bata mula sa kanilang mga sakit, na ginagawang kaaya-aya ang kanilang kapaligiran sa pagpapagaling. Makalipas ang pitong taon, noong Enero 12, 1987, nagpalabas ang Malacañang ng Memorandum Order No. 2, na pinalitan ang pangalan ng ospital bilang Philippine Children’s Medical Center o PCMC.

Makalipas ang pitong taon, noong Enero 12, 1987, nagpalabas ang Malacañang ng Memorandum Order No. 2, na pinalitan ang pangalan ng ospital bilang Philippine Children’s Medical Center o PCMC.

Ang National Kidney and Transplant Institute o NKTI ay isang tertiary medical specialty center na dating kilala bilang National Kidney Foundation of the Philippines (NKFP) na nilikha noong Enero 16, 1981 sa bisa ng Presidential Decree 1832 na nilagdaan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sa tinatagal tagal, ang apat na corporate ospital ay naging puntahan ng mga mahirap at mga empleyado ng pamahalaan na Filipino na wala masyadong kaya. Naipakita ng apat na ospital na kaya ng pamahalaan magpatakbo ng ospital na may makabagong kagamitan gaya ng mga pribadong ospital at mag bigay ng kalidad na pag gamot sa mga Filipino.

Ang Universal Health Care o UHC Act ay isang batas na nagpapaigting ng karapatan ng mga mahihirap sa kalidad ng paggamot sa mga ospital. Dapat sana ay maitayo ng susunod na Pangulo ang marami pang Heart Center, Kidney Center, Lung Center at Children’s Medical Center sa lahat ng rehiyon ng bansa. Nandito na ang tamang paraan para sa maganda at modernong ospital para sa ating mga maralita ng kababayan. Ito kasama ng mabilis na pagbayad ng PhilHealth sa mga ospital ang malaking pag-asa ng UHC o Kalusugan Pang Kalahatan.

Susunod kong tatalakayin ang PhilHealth o National Health Insurance Corporation dito sa “Sabi ni Doc Ted.”