Toyota Source: PCO

Nasalanta ng bagyon Kristine may P5M ayuda mula sa Toyota

Chona Yu Oct 25, 2024
149 Views

AABOT sa P5 milyong donasyon ang ibibigay ng Toyota Motor Philippines sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Ibinigay ng Toyota ang donasyon sa TMP Showcase of the Next General Tamaraw and Hydrogen Vehicle Technology na ginawa sa Palasyo ng Malakanyang.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-welcome sa mga opisyal ng Toyota sa Malakanyang.

Suportado ni Pangulong Marcos ang paggamit ng Toyota ng greener transport system

“It perfectly aligns with Toyota’s Global ‘Beyond Zero’ Initiative. It aspires to achieve zero emissions to — while enhancing societal value through its mobility ecosystem. It harmonizes with our commitment towards developing more renewable and clean energy sources,” pahayag ni Pangulong Marcos.

‘With the use of hydrogen technology in vehicle electrification, we are presented with sustainable transport solutions that intensify our call for environmental stewardship,” dagdag ng Pangulo.