Tino Source: Cebu People’s Action Center

Nasawi sa mga baha, landslide dulot ng Bagyong Tino umakyat

1367 Views

UMABOT na sa 92 katao ang iniulat na bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Tino (international name: Kalmaegi), ayon sa Cebu Provincial Emergency Operations Center at Cebu City Disaster Office, citing figures released ayon sa 1:00 p.m. ulat nitong Miyerkules (November 5).

Ayon sa Cebu Provincial Capitol at Cebu City Government ang Tino death toll ay 35 sa Liloan, 16 sa Compostela, 9 sa Cebu City, 9 sa Danao, 9 sa Mandaue, 7 sa Talisay, 1 sa Consolacion at 6 sa Balamban.

Ang nasawi na naitala sa Bohol, Capiz at Leyte, ay pawang dulot ng pagbagsak ng mga puno, ayon sa NDRRMC. Isa pang pagkamatay sa Leyte ay iniulat na sanhi ng pagbaha.
Dalawa sa nasawi sa Negros Island Region, dalawa sa kanila dahil sa bumagsak na debris.

“The cause [of death] of five others are still being determined,” ayon sa NDRRMC.

Samantala, anim na tauhan ng Philippine Air Force — dalawang piloto at apat na crew — ang nasawi nang bumagsak ang sinasakyan nilang Super Huey chopper sa Agusan del Sur noong Martes ng hapon.

Bukod sa mga nasawi, sinabi rin ng NDRRMC na 13 katao ang nawawala sa Cebu, at 13 pa sa La Castella, Negros Occidental.

Si Tino, ang ika-20 bagyo ng bansa ngayong taon, ay nanalasa sa malaking bahagi ng Visayas at ilang lugar sa Mindanao at Southern Luzon, na nagdulot ng malawakang pinsala.

Ayon sa bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Miyerkules ng alas-11 ng umaha, inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) pagsapit ng Miyerkules ng gabi o madaling araw ng Huwebes.