116 kriminal tiklo sa CIDG-RFU 3
Jun 6, 2026
Dahil sa panghahalay, 2 Amerikano inaresto
Jun 6, 2026
EPD cops inaresto 8 carnap suspek
Jun 6, 2026
Calendar
Ang litrato ng SUV na umararo sa mga dumalo sa Lapu-Lapu Festival sa Vancouver, Canada. Source: FB
Nation
Nasawi sa Vancouver ipinagdadalamhati ng DFA
Edd Reyes
Apr 28, 2025
362
Views
NAGPAHATID ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga biktima at pamilya ng mga nasawi sa Lapu-Lapu Day Block Party sa Vancouver, Canada noong Linggo.
Sa kalatas ng DFA, tiniyak nito, kasama ang Philippine Consular General sa Vancouver, ang kahandaang magkaloob ng tulong sa nagdadalamhating pamilya, pati na ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Canada upang matiyak na mabibigyan ng sapat na suporta ang ating mga kababayang Filipino.
Sabi pa ng DFA, sa kabila ng pagluluksa dahil sa trahedyang naganap sa isinasagawang kasiyahan, inaalala nito ang may isang milyong Filipino sa Canada at ipinagdarasal na ipagpatuloy nila ang kanilang lakas at katatagan sa kabila ng trahedya.

