National timetable ng farm-to-market road tapos na

158 Views

TAPOS na umanong balangkasin ang national timetable para sa mga itatayong farm-to-market road (FMR) na bahagi ng plano para mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kanyang pipirmahan ang isang joint administrative order (JAO) bago matapos ang buwan.

“FMR approved na. Mayroon na tayong national timetable,” sabi ng Pangulo. “Lahat ng agencies that are involved, departments that are involved will be signing… by December, before the end of the year, para ma-approve na ang plano para sa pag-construct ng FMR.”

Ang JAO ang magsisilbi umanong gabay sa pagtatayo ng lahat ng FMR na ikokonekta sa ibang imprastraktura na kailangan upang mabuo ang agricultural program ng gobyerno.

Kasama umano sa mga ahensya na pipirma sa JAO ang Departments of Agriculture, of Public Works and Highways, of the Interior and Local Government, of Trade and Industry at of Tourism.