Calendar
Nat’l elections, plebisito na panabay, magbibigay ng bilyon katipiran — Angara
ANG Cha-cha na pormal na isasagawa sa pamamagitan ng plebisito ay possibleng ipanabay sa darating na eleksyon na lalahukan ng mga lokal at nasyonal na mga kandidato sa 2025.
Ito ang posibilidad na ipinaliwanag ni Sen. Juan Edgardo Sonny Angara na nagsabing kailangan munang aprubahan ito ng mayorya ng Senado bago sila makagawa ng konkretong desisyon sa panabayan na gagawin sa dalawang magkaibang botohan.
Si Angara na siyang chairman ng SubCommittee on Constitutional Amendment and Revision of Codes ang kasalukuyan dumidinig sa Senado ukol sa Resolution of Both Houses No. 6 kung saan ay inilalahad ang pag-amyenda ng mahahalagang probisyon sa ekonomiya na ang layon ang pag ibayuhin ang kasalukuyan lugmok na ekonomiya ng bansa at makasabay sa mga kapitbahay nito sa rehiyon ng Asya.
Ayon pa sa senador, ang balakin na ito sakaling maaprubahan ay magbibigay ng napakalaking katipiran sa gastos na tumatayang aabot din aniya sa bilyon pesos at magagamit pa sa ibang pangangailangan ng bansa sakaling magsabay ang botohan ng plebiscito at nakatakdang national elections sa 2025.
Base na rin sa kasalukuyan batas, nangangailangan umano ng 60 hangang 90 na araw ang dalawang kamara upang pasa ang mga naturang probisyon at magtugma sila ng kanilang mga version at ito ay aaprubahan gamit ang wikang PIlipino para higit na maintindihan ng bawat mamamayan kung ano ang kanilang totoong saloobin sa isyung ito.
“On my end the deadline of filing should be October because by then we need to finalize it because it will pass through a plebiscite. And the most economical is to include it in the 2025 elections.” ani Angara.
Inamin din ng senador na ang ganitong posibilidad ay magdudulot ng malaking katipiran para sa bansa at gobyerno ngunit mangangailangan ng pagsang ayon ng Mataas at Mababang Kapulungan pati na rin ng Commission on Elections.