Suspek

Navotas cops nahuli 2 suspek sa pagpatay

Edd Reyes Mar 6, 2025
12 Views

NASUKOL sa follow-up operation ng pulisya ang dalawang suspek sa pagpatay sa Navotas City noong Martes.

Timbog sa pagpatay sa biktimang si alyas Tisoy sa M. Domingo St, Brgy. Tangos North sa mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes sina alyas Mark, 24, at alyas Tonio, 25, ayon sa report.

Bago nangyari ang pamamaslang dakong alas-11:35 ng umaga,, magkausap pa ang mga suspek at si alyas Tisoy sa M. Domingo St. nang bumunot ng baril si alyas Mark at binaril ng tatlong beses ang biktima.

Tumakas ang mga suspek sakay ng scooter at isinugod naman ang biktima sa Tondo Medical Center subalit binawian din ng buhay dakong alas-12:50 ng tanghali.

Sinabi ni Col. Cortes na nabawi nina P/Maj. Albert Juanillo, Jr., assistant chief of police na nanguna sa follow-up, sa mga suspek ang kalibre .38 revolver, tatlong bala at ang ginamit na E-bike sa pagtakas.