Calendar

NBI humataw; P55M fake signature items nakumpiska
NAKUMPISKA ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pekeng Gucci at Yves Saint Laurent (YSL) na nagkakahalaga ng mahigit P55 milyon mula sa mga raid sa Maynila, Malabon at Paranaque.
Isinagawa ang unang raid ng NBI-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD), sa ilalim ni Director Jaime Santiago, sa tulong ng search warrant noong Mayo 6 sa Paranaque.
May estimated value sa P3,556,500 ng mga pekeng Oakley products ang nakuha sa Sarigayo online store sa Parañaque, ayon sa report.
Sa sumunod na araw, sinalakay naman ang warehouse sa Malabon dahil sa trademark infringement.
Nag-ugat ang raid sa inihaing reklamo ng Quisumbing Torres Attorneys at Law hinggil sa produktong “Oakley at Lee Bumgarner Inc. na kliyente ng Gucci at YSL.
Inilatag din ang search warrants laban sa John Elegant Leather Bag at Accesories, M. M Variety store, Buyme Bags Accessories store at Azriel Variety Store sa Binondo, Manila at sa isang warehouse sa Malabon City na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 1,024 piraso ng mga Gucci at YSL na may halagang P51,646,470.