Santiago Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na miyembro ng teroristang grupo sa Cotabato City na nahuli ng kanyang mga tauhan.

NBI inaresto terorista sa Cotabato

Jon-jon Reyes Jul 1, 2025
417 Views

Santiago1DAHIL sa matagal nang pagmamanman ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), sa tulong ng impormante ay naaresto ang isang miyembro ng grupo ng terorista sa Cotabato City.

Kinailala ni NBI Director Jaime Santiago ang naarestong terorista na si “Aman,” miyembro ng Daulah Slamiyah-Hassan Group.

Ayon sa ulat ng NBI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Santiago, ang suspek ay may warrant of arrest para sa kasong murder at multiple frustrated murder na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 23 sa Kidapawan City, at destructive arson under Section 2 (4) in relation to Section 5 ng Presidential Decree 1613 na inisyu ng RTC Branch 16 sa Kabacan, Cotabato.

Ang suspek ay kabilang sa serye ng pagbobomba sa Maguindanao at Cotabato City.

Nabatid sa report ng NBI na ang suspek ay sinasabing eksperto sa paggawa ng bomba, partikular sa insidente sa bus noong Enero 2021 sa Tulunan, North Cotabato, na nagresulta sa pagkamatay ng isang fruit vendor at pagksugat ng mga pasahero.

Matapos maberipika ng RTC sa Cotabato, kumpirmadong may nakabinbing kaso ang suspek at dahil sa patuloy na manhunt operation, isang confidential informant ang nagnguso sa mga ahente ng NBI-BARMM hanggang sa matunton ang kinaroroonan ng suspek.

Namataan ang suspek sa isang parke sa Peñafrancia Village, Rosary Heights 11, Cotabato City.