Hosaka

NCAP pinatigil ng SC

Hector Lawas Aug 30, 2022
233 Views

NAGLABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) laban sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ayon sa SC hindi na maaaring ipatupad ang NCAP hanggang sa maglabas ng utos pabor dito ang korte.

Sakop din ng utos ng SC ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi naman ni SC spokesperson Brian Keith Hosaka na walang inilabas na desisyon ang korte kaugnay ng mga nahuli bago lumabas ang TRO.

Itinakda ng SC ang oral argument sa Enero 24, 2023.

Naghain ng petisyon ang iba’t ibang grupo sa SC laban sa NCAP kaugnay ng hindi umano makatwirang multa na ipinapataw nito at mga kuwestyon sa pagpapatupad nito. Nina HECTOR LAWAS & JUN I. LEGASPI