NDRM

NDRM ’25 nilahukan ng Noveleta, BFP, PCG

Dennis Abrina Jul 18, 2025
24 Views

NDRMNOVELETA, CAVITE–Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025, nagpakitang gilas sa pag-rescue ang mga miyembro ng Noveleta Rescue Units sa ilalim ng pamumuno ni Wiwi Valerio kasama ang Bureau of Fire Protection, Noveleta police at Philippine Coast Guard (PCG) noong Biyernes.

Tagumpay ang resilience motorcade kasama ang mga rescue vehicles ng 116 barangay ng naturang bayan sa pangunguna ng Noveleta Disaster and Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at iba’t-ibang ahensya bilang pagpapakita ng pagkakaisa sa pagpapaigting ng kahandaan sa sakuna dala ng kalikasan.

Tampok naman ang Equipment Exhibit sa Unlad Noveleta Gymnasium sa Barangay San Rafael 2 at itinampok ang iba’t-ibang rescue at emergency response equipment mula sa DRRM teams.

Nagsagawa naman ang Basic Knot Tying Orientation ang team ng PCG at iba pang mga pagsasanay sa mga DRRM responders na ginagamit sa iba’t-ibang sitwasyon tulad ng rescue, evacuation at relief operations.

Hinimok ni Valero ang publiko na makiisa, matuto at maging handa para sa mas ligtas na Noveleta at nagpasalamat din siya kay Mayor Davey Chua sa programang pangkaligtasan.