Penones Nagkaroon ng ocular inspection ng mga kagamitan at equipment na gagamitin sa disaster response ang Nueva Ecija police bilang paghahanda sa bagyong Uwan. Kuha ni Steve Gosuico

NE cops ready kay Uwan

Steve A. Gosuico Nov 8, 2025
414 Views

CABANATUAN CITY–Handa ang mga pulis ng Nueva Ecija sakaling salantain ang lalawigan ng bagyong Uwan matapos ang ocular inspection ng mga kagamitan at equipment para sa disaster response.

Ang inspeksyon ay isinagawa ng sabay-sabay kasama si Police Regional Office 3 chief P/Brig. Gen. Ponce Rogelio

Peñones sa Camp Captain Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga.

Sinamahan ng virtual meeting sa pamamagitan ng zoom ang lahat ng tanggapan ng pulisya sa buong Gitnang Luzon bilang paghahanda sa bagyong Uwan.

Sinabi ni Col. Haryl Bruno, hepe ng Nueva Ecija police, ang mga inisyatibong na naglalayong matiyak ang kahandaan ng mga pulis sa pagsagip sa mga mabibiktima ng bagyo.

“Ang aming proaktibong pamamaraan sa pagtugon sa mga sakuna ay sumasalamin sa aming pangakong pangalagaan ang mga buhay at ari-arian bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad,” sabi ng hepe ng pulis.