NE Ang itatayong bagong municipal police station ng Quezon, Nueva Ecija sa Brgy. Dos.

NE magkakaroon ng bagong police station

Steve A. Gosuico Jun 23, 2025
18 Views

QUEZON, Nueva Ecija–Nag-groundbreaking na noong Biyernes ang itatayong bagong istasyon ng pulis sa bayang ito na nagkakahalaga ng P10.4 milyon.

Itatayo ang proyekto sa 400-square meter na lote sa Brgy. Dos. Dalawang palapag na type B, class C municipal building ang gagawing police station.

Kapag natapos na, ang bagong istasyon ng pulisya ay magpapaigting ng operasyon ng mga pulis.

Sinabi ni Nueva Ecija cop chief Col. Ferdinand Germino na ang bagong pasilidad ng pulisya ay magsisilbing simbolo ng kapayapaan at kaayusan at ng matibay na samahan ng pulisya at komunidad.

Dumalo sa okasyon sina Col. Roger B. Tomen, hepe ng Police Regional Office 3 Logistics and Research Development Division, Col. Emmer C. Cubillan, OIC- Regional Engineering Unit 3 at Capt. Franklin D. Sindac, hepe ng Nueva Ecija Provincial Police Office logistics at supply division.

Nakiisa rin sa kaganapan sina mayor-elect Mariano Noriel “Dean” Joson at Vice Mayor Emmanuel Garcia.