Balisacan

NEDA Board inaprubahan P3.8B PH Civil Service Modernization Project

Chona Yu Aug 29, 2024
98 Views

PARA mapahusay pa ang mga proseso ng human resource management sa pampublikong sektor, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatayong National Economic and Development Authory Board ang P3.8 bilyong Philippine Civil Service Modernization Project.

Aprubado na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Civil Service Modernization Project.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kabilang sa mga aprubado na ang mga pagbabago sa gastos, pagpapalawig ng panahon ng implementasyon, at loan validity para sa mga tulay sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Balisacan na mahalagang inisyatibo para sa pag-unlad ng mga proseso ng pamamahala ng human resources sa pampublikong sektor na sinasabing ipatutupad mula 2025 hanggang 2029.

Samantala, magiging miyembro na rin ng NEDA Board ang mga kalihim ng Department of Agriculture (DA) at Department of Education (DepEd).