Wage

NEDA kumpiyansa: P35 umento sa sahod walang malaking epekto sa negosyo, inflation

Chona Yu Jul 9, 2024
128 Views

KUMPIYANSA ang National Economic and Development Authority (NEDA) na walang malaking epekto sa negosyo at sa inflation ang ipinatupad na P35 na umento sa sahod sa mga arawang manggagawa sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na nasa 40,000 hanggang 140,000 lamang ng manggagawa ang maaring mawalan ng trabaho.

Masyado aniyang maliit ito sa 1.5 milyong trabaho na nalikha na ng gobyerno.

Sinabi pa ni Balisacan na reasonable ang P35 na umento sa sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region.

Ayon kay Balisacan, hindi dapat mag-aalala rito ang business community dahil sa nakikita ng economic managers, hindi naman ganun kalaki ang epekto sa inflation at sa paglago ng ekonomiya.

“Not necessarily because the economy is growing and the labor market is quite robust ‘no – so, if you lose one job there, there are other jobs being opened up like as I said earlier, during this period there are 600,000 plus new employment ‘no, you know these are new jobs opened up in the economy,” pahayag ni Balisacan.

“So, as and our economy continues to grow at six to seven percent this year ‘no so that will be accompanied by quite a lot of jobs,” pahayag ni Balisacan.