Hot News

NEGOSYANTE DINAMPOT SA KASONG ESTAFA (2-COUNTS) SA MANILA CITY HALL

Jon-jon Reyes May 20, 2026
23 Views
Negosyante
Isinilbi sa suspek ang kanyang mandameyento de aresto ng mga umarestong pulis na sina PCMS Homer DG Velasco, PMSg Edman T Demillo, PMSg Jeffrey S. Bangcaya, PSSg Melvin S Ilaw, PCpl Darwin G. Sabiaga at PCpl Ignacio L Palo Jr.matapos maispatan sa loob ng Manila City Hall. JONJON C. REYES

INARESTO ng mga operatiba ang isang 42-anyos na lalaki dahil sa dalawang bilang ng kaso ng estafa matapos maispatan sa loob ng Manila City Hall na matatagpuan sa Padre Burgos Avenue, Ermita, Manila, Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas Gil, 42, binata, residente ng Brgy Sta Ana, Pateros, Metro, Manila.

Ayon kay PCol. Damaso J Burgos Jr., C, ng DIDMD-MPD bandang 2:20 ng hapon nang arestuhin ang akusado.

Ang suspek ay naaresto sa isinagawang manhunt operation laban sa Wanted Persons ang mga operatiba ng Warrant at Subpoena Section, Division Investigation and Detective Management Division sa pangunguna ni PCMS Homer DG Velasco, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLT.James S Poso ,OIC,ng WS-CIS, DIDMD, at PMaj. Jake S Arcilla sa patnubay ni PCol. Burgos Jr.

Bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Buenaventura Albert Jornales Tenorio Jr., ng Regional Trial Court, Branch 14, Manila, laban sa suspek para sa kasong estafa.

Inirekomenda ng korte ang pyansang P30,000 sa bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Bago ang pag-aresto, sa akusado ay paksa ng manhunt operation sa Taguig City noong Mayo 13, 14, 15 2026.

Gayunpaman, hindi natagpuan ang suspek sa kanyang tirahan sa Taguig City.

Gayunpaman, ipinagpatuloy ang manhunt operation hanggang sa maaresto ang akusado sa loob ng Manila City Hall,.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa MPD Custodial Section, MPD Headquarters, U.N. Avenue, Ermita, Manila, habang naghihintay ng karagdagang paglilitis sa korte..