PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Negosyante sugatan sa pamamaril
Jojo Cesar Magsombol
Jun 30, 2025
479
Views
ISANG 46-anyos na may negosyong buy-and-sell ang nasugatan nang barilin ng mga hindi nakilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Block 5, Lot 53, Phase 1L1 Suburban, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal noong Linggo.
Ang biktima, ayon sa mga imbestigador ng Rodriguez Police Station, kinilalang si Bernardo Benedicto Genato.
Base sa report, biglang sumulpot dalawang hindi kilalang lalaki at bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima habang kausap ang kapwa negosyante sa loob ng kanyang bahay.
Duguang bumagsak ang biktima at mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa hindi malamang direksyon.
Isinugod ang biktima sa infirmary clinic para magamot.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

