Bata

Nene naglalakad naboga sa leeg, kritikal

Jon-jon Reyes Oct 26, 2024
95 Views
Bata1
Naglalakad ang mga bata ng bigla na lang bumulagta ang 11- anyos na batang babae na tinamaan ng bala sa leeg.

KRITIKAL ang 11-anyos na batang babae nang tamaan ng ligaw na bala sa leeg habang naglalakad sa Sandico St. corner Kagitingan St., Tondo, Manila noong Biyernes.

Sa follow up operation ang mga operatiba ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, nahuli ang isa sa mga suspek habang hinahanap pa ang kaaway ng suspek na sinasabing nakabaril sa biktima.

Kita sa kuha ng CCTV na naglalakad ang bata kasama ang tatlong kalaro nang biglang tumumba at nawalan ng malay dahil tinamaan na ng stray bullet.

Ayon sa punong barangay ng lugar, nag-away ang dalawang lalaki at naghamunan ng barilan.

Kasabay noon, may tumatakbong lalaki na may dalang sumpak at sinugod ng isang lalaki na may dala ding baril.

Doon na tinamaan ng bala ang bata mula sa nagpaputok ng sumpak.

Kritikal ang kondisyon ng bata dahil sa tama ng bala sa leeg, ayon sa punong barangay.