Calendar

Netizens kinilig sa pa-surprise b-day party ni Coco kay Julia
Isang surprise party ang inihanda ni Coco Martin para sa partner niyang si Julia Montes sa pagdiriwang ng ika-30th birthday nito last March 19.
Sa video na in-upload ni Coco sa kanyang official Instagram account ay mapapanood ang kaganapan sa surprise birthday celebration ni Julia.
Kitang-kita nga na nagulat at napaiyak si Julia nang pagpasok niya sa restaurant ay nagkantahan ng happy birthday.
Hindi nga agad nakapasok ang aktres dahil naging emosyonal na siya kaya nilapitan siya ni Coco na may dalang malaking bouquet of flowers.
Mukhang debutante nga ang aktres at ang ganda-ganda niya sa suot na yellow dress.
Pagpasok niya sa room ay isa-isa na siyang binati at sinalubong na invited friends na nagmamahal sa kanya. Isa sa mga dumalo ay ang leading men ni Julia sa pelikulang “Five BreakUps and a Romance” na si Alden Richards.
Naroroon dina sina Angelica Panganiban, Dimples Romana, Shaina Magdayao, Bea Alonzo, John Estrada, Kyle Echarri, ABS-CBN executives and production staff at marami pang iba.
Makikita rin sa video kung gaano kasaya si Julia sa party at napapatalon pa kapag may dumarating na bisita.
Kinilig naman ang netizens sa sweetness ni Coco na talagang nag-effort pa nang bongga para mapasaya ang pinakamamahal na girlfriend.