Macapaz

New CIDG chief: Criminals will hate me!

Alfred Dalizon Jun 24, 2025
25 Views

PORMAL nang nanungkulan si Brigadier General Romeo J. Macapaz bilang ika-50 director ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

“Walang imposible sa CIDG,” sinabi ng miyembro ng PNP Academy ‘Patnubay’ Class of 1995.

Si Brig. Gen. Macapaz ay kilala bilang isang maayos na lider at intelligence officer na may tapang at malasakit, mga katangiang dahilan upang italaga siya ni PNP chief, General Nicolas D. Torre III bilang bagong PNP-CIDG chief.

Bago siya umupo bilang CIDG director, si Macapaz ang regional director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Dati rin siyang Deputy Director ng PNP Directorate for Intelligence at director ng PNP Intelligence Group.

Sa kanyang unang araw ng panunugkulan, pinulong ni Brig. Gen. Macapaz ang kanyang Command Group, at mga hepe ng CIDG Special Operating Units at Divisions at mga hepe ng CIDG Regional Field Units sa Camp Crame.

Dito agarang inilatag ng opisyal ang kanyang direktibang dapat na tupdin ng bawat miyembro ng unit kung saan binigyang-diin niya ang pagpapatupad ng internal discipline.

Ayon sa kanya, siya ay magpapatupad ng ‘zero tolerance’ para sa mga sinumang tauhan ng CIDG na masasangkot sa katiwalian at kawalan ng disiplina.

Mariin din niyang pinaalala ang “swift and responsive public service”, na isa sa key pillar of leadership ni Gen. Torre.

“We are CIDG. We will do the difficult immediately. There is nothing na hindi natin kaya. Kaya nga tayo CIDG. Dito sa CIDG, walang imposible,” ayon sa opisyal.

Si Brig. Gen. Macapaz ay nagsilbing Station Commander sa Manila Police District noong siya ay Lieutenant Colonel pa lang.