Liza

NHA iginawad TCT sa 14 na benepisyaryo

Jun I Legaspi Nov 30, 2024
34 Views

NHA1IGINAWAD ng National Housing Authority (NHA) ang Transfer Certificate of Title sa 14 na benepisyaryo sa paglahok nito sa LAB for ALL Program sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kamakailan.

Sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai, si NCR-South Sector OIC at concurrent CPD Manager Cromwell Teves ang nag-lead sa delegasyon ng ahensya sa caravan at pinangasiwaan ang pamamahagi ng mga titulo sa mga benepisyaryo.

Sa 14 na benepisyaryo, 11 miyembro ng Gamban-Cabrera Homeowners’ Association (HOA), Inc.; dalawa mula sa Vergel Solid Interior HOA at isa mula sa Fortune Bus.

Nagtatag din ang NHA ng isang booth sa caravan upang tugunan ang mga katanungan tungkol sa mga programa’t proyekto ng ahensya.

Inisyatiba ni First Lady Marie Louise Araneta-Marcos, ang LAB for ALL Program na naglalayong magbigay ng tulong sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng libreng laboratory testing services, medical check-up, dental services at mga libreng gamot bilang suporta sa pagpapatupad ng RA 11223 o ang Universal Healthcare Act.

Sa isang maikling mensahe, binigyang-diin ng Unang Ginang ang kahalagahan ng pagtupad sa isa sa mga pangako sa sambayanang Pilipino.

“Nandito po kami para tuparin ang pangako ng asawa ko. Sabi kasi ng asawa ko sa SONA n’ya, ‘we should bring government services closer to the people and not the other way around, sama-sama tayong babangong muli para sa Bagong Pilipinas.”

Naroroon din sa LAB for ALL caravan sina DOH Sec. Teodoro Herbosa, PAO Chief Persida Rueda-Acosta, Representative Tony G. Calixto, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, mga konsehal ng lungsod at iba pang opisyal ng lokal at pambansang pamahalaan.

Kasama sa mga lumahok sa kaganapan ang Department of Health (DOH); Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); Food and Drug Administration (FDA); Department of Agriculture (DA); Commission on Higher Education (CHED); Department of the Interior and Local Government (DILG); PhilHealth; Public Attorney’s Office (PAO); Land Transportation Office (LTO); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Pag-IBIG Fund; Department of Trade and Industry (DTI); Philippine Charity Sweepstakes Office; at mga partner galing sa pribadong sektor.