Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
NHA Source: NHA

NHA nakipag-ugnayan sa Bayad Inc. upang mapabilis pagbayad sa amortisasyon sa pabahay

Jun I Legaspi Dec 29, 2024
20 Views

SA layuning mas mapadali ang proseso sa pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay, nakipag-ugnayan ang National Housing Authority (NHA) sa Bayad Inc. upang mapabilang na ang pagbabayad ng amortisasyon sa bahay sa mga digital na serbisyo na maaaring tanggapin sa mga kiosk ng mga 7-Eleven branches sa buong bansa.

Ang inisyatibo na ito ay karagdagang serbisyo sa kasalukuyang ugnayan ng NHA at Maya Philippines Inc., na gumagamit ng Maya app upang tumanggap ng bayad mula sa mga benepisyaryo ng NHA anumang oras at kahit saan na hindi na kailangan pang pumunta sa mga District o Regional Office upang magbayad.

Sa pamumuno ni General Manager Joeben Tai, patuloy ang pagsisikap ng NHA na gawing moderno at streamlined ang mga sistema nito. Sa pamamagitan ng pinadali at digitalization na mga option sa pagbabayad, layunin ng NHA na tulungan ang mga benepisyaryo na mas mabilis na makapagbayad ng kanilang obligasyon at makamit ang ganap na pagmamay-ari ng kanilang mga bahay.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod din sa mga layunin ng pamahalaan ukol sa digitalization, ayon sa Republic Act (RA) 8792 o ang Electronic Commerce Act of 2000, na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tumanggap ng bayad gamit ang electronic means. Bukod dito, sumusunod din ito sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, na naglalayong patuloy na pagandahin ang transaksyon at serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno para sa publiko.

Ang pakikipag-ugnayan ng NHA sa Bayad Inc. at 7-Eleven ay nagpapatunay sa dedikasyon ng ahensya na mapabuti ang mga serbisyo nito sa pamamagitan ng pagpapadali ng mga proseso para sa mas mainam na transaksyon sa pagitan ng Ahensya at mga benepisyaryo nito.