NIA Si NIA chief engineer Eduardo Guillen sa groundbreaking ng P9 milyon covered court sa NIA-UPRIIS Division 6 office.

NIA chief pinangunahan seremonyal ng pagbebenta ng BBM rice

Steve A. Gosuico Oct 19, 2024
180 Views

NIAGUIMBA, Nueva Ecija–Nag-groundbreak na ang bagong covered court na nagkakahalaga ng P9 milyon at pagkatapos ng P31.7-million National Irrigation Administration (NIA)-Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems Division 6 administration building noong Lunes sa bayang ito.

Pinangunahan ni NIA chief Engr. Eduardo Guillen ang ground-breaking para sa panukalang pagtatayo ng bagong covered court Lunes.

Kaagapay ni Guillen sa aktibidad sina NIA Senior Deputy Administrator Engr. Robert C. Suguitan at UPRISS Department Manager Engr. Gertrudes Viado at UPRIIS Division 6 chief Engr. Jose Ariel Domingo.

“Binabati ko po ang pamunuan ng NIA UPRIIS Division VI sa matagumpay na konstruksyon ng administration building at groundbreaking ceremony ng covered court,” ani Guillen.

Kapag natapos na ang covered court project, sinabi ni Guillen na inaasahang magsisilbi itong venue para sa mga aktibidad sa opisina tulad ng irrigator association conferences, meetings at sport festivals.

“Ito’y nagpapahiwatig ng buong suporta at pangako ng NIA na magbigay ng mga modernong imprastrakturang pang-opisina at bumuo ng isang kaaya-ayang lugar para sa pagtatrabaho na magsisilbing isang hub upang ma-optimize ang pakikipagtulungan at pataasin ang produktibidad ng ating mga empleyado,” diin ni Guillen.

Pinangunahan din ni Guillen ang ceremonial selling ng 1,500 bags ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) rice na nagkakahalaga ng P29 kada kilo na naka-pack na tig-10 kilo at ibinebenta ng P290 kada bag sa mga vulnerable sectors sa Kadiwa sa Pangulo-UPRIIS Div. 6 stores dito.

Ang mga bag na ito ng BBM rice na ibinebenta sa mga Kadiwa stores galing sa 14 irrigators associations na kaanib sa NIA-UPRIIS Division 6 na may umiiral agreement sa NIA.