Calendar
Nikki na-trauma kay Troy
Matinding trauma pala ang naranasan ni Nikki Valdez noong time na karelasyon niya si Troy Montero.
Nag-guest ang aktres sa “Fast Talk with Boy Abunda” at dito ay napag-usapan nila ang past affair niya with Troy noong mga panahong dalaga at binata pa sila.
“Alam mo naman na ‘to, Tito Boy, at saka, pinag-uusapan na lang natin ‘to, ha? Hindi na para maapektuhan pa tayong lahat,” paglilinaw niya muna.
Noong time na karelasyon niya si Troy ay nasa peak daw ang aktor ng career nito at napakaraming na-shock na nagustuhan siya nito.
“During that time, it was his peak, the peak of his career and ang daming na-shock na ‘ha?? Bakit siya?’ Bakit daw ako, ‘di ba?
“Umabot pa nga sa point na may reference pa silang ang foreigner, mahilig sa kamukha ko. Yeah, may ganu’n nun’g time na ‘yun,” kwento ni Nikki.
“That was so painful for me, especially my family. My kuya then was in college and I remember he told me, napanood niya ‘yung isang interview sa TV na ‘yun na nga, ‘yung parang ‘bakit si Nikki Valdez? Ang mga foreigner talaga, ang hilig sa mga mukhang ganyan!’ So, nasaktan ‘yung kuya ko for me,” pagre-recall ng aktres.
Umabot sa point na hindi na hindi na sila bumibili ng dyaryo at hindi na siya nagbabasa ng entertainment section.
Na-trauma talaga ako,” sambit niya.
“Siguro kung that happened in this generation, ‘yung sinasabi nila na ‘yung mental health ko, bagsak, negative talaga. Kasi, hindi ko alam paano umabot sa ganu’n.
“Eh siyempre, nun’g time na ‘yun, in-love lang tayo. Tao lang naman tayo. And I believe na ours was a genuine kind of love,” tsika ni Nikki.
As we all know, happily married na si Troy kay Aubrey Miles habang si Nikki naman wed her second husband Luis Garcia in 2018.